Sa tuwing bumabyahe ako o naglalakad pauwi, lagi ko itong pinakikinggan. Sa piyesang ito, mas naisalin ko kung ano ang pagkakakilala ko sa Dios.
Kung nagtataka tayo kung saan galing ang mundo o kung sino ang gumawa nito, isipin mo na lang kung paano nagsimula ang wala. Maraming bagay ang di maipaliliwanag ng agham. Basta ang alam ko, hindi masamang maniwala. Hindi rin masamang maging mabuting tao na nananampalataya. Ang kapalit lang sa puwede mong gawin kapag naniwala tayo sa Dios, buhay na walang hanggan. Kung totoo man 'yon, maganda para sa atin. Kung hindi, kahit papaano naging mabuting tao tayo sa lupa.
Music by: Mark Astada