Uwian na! Komyut na ulit! Tara sakay tayo sa sasakyan ng mga superhero, ang jeep ni manong. Yung tipong parang nasa race track sa bilis si manong driver na halos lumipad na ang lahat sa loob ng kanyang sports jeep. Ang masasabi ko lang, wala paring mas hihigit pang saya sa uwiang kasama ang kaibigan. Siguradong may tawanan at may kwentong mamarka sayo habang buhay.