Blankong pagtitig sa kawalan Kakawalang gana kasi kapag walang masandalan Cellphone at yosi lang nasa harapan Pati paghigop ng kape kinakatamaran
Wala naman kasing bago Kaya wala akong makwento Nakakatawa sa harap ng ibang tao Pero 'di nakakatuwa kasi mag-isa sa kwarto
Gano'n ba 'yon kapag mag-isa? Sa daming iniisip napapa-bahala na Dinadaan ko na lang sa pag pinta Kukulayan ko ng onti para kunwari maganda
Ang nangyayari kahit sasabog na Gulo ng utak, di na maayos pa Tamad na nga ko ta's wala pa siya Nakakalungkot pala maging masaya