Paano Ba Maging Dios - Official Sountrack Composed by: Joshua Berenguer Directed by: Verlin Santos
Merong mabuti at meron daw masama ang tanong ay makikilala ka kaya ng iyong mga anak sinong makakahalata nasa paligid ka palang nasa iba't ibang mukha
Dito saking ginagalawan sanlibutang ang dereksyon walang nakakaalam kundi ikaw na gumawa nito umukit ng mula sa wala at bawat pangyayare may rason di balewala
Kung ganun nga minsan nagtataka ako ano ang plano mo kung totoong di mo ibibigay kung di ko kaya to may panahong sinabi ko baka lang masukista ka dahil kung subukin mo parang walang ititira
Nag-iisa kapiling kabigatan kong pasan natatanong mahal mo ba talaga ko baka hinihintay mo lang na huminggi ako ng tawad sa lahat ng nagawa dito sa daang itinakda mo palayo sa masama
Nagtataka pa rin ako habang nagmamasid-masid totoo bang ang paraiso ay nasa himpapawid kung ganun nga bakit ganun makakaabot pa kaya ko kung hindi makaalis sa impyernong ito paano
Koro
Merong mabuti at meron daw masama ang tanong ay makikilala ka kaya ng iyong mga anak sinong makakahalata nasa paligid ka palang nasa iba't ibang mukha
Habang ako ngayon ay nalilito alam ko na ikaw ay naririto sa saya kalungkutan tagumpay at kabiguan habang nandito sa loob ng bilog na bilanguan
Ako ay.. preso ng pamantayan lipunang makasalanan hindi lang dahil kailangan subalit ang kapalaran ng mga taong tulad ko habang humihingga tama't mali sariling mantika ako'y ginigisa
Kaya naman lakas loob na nagimbistiga at inalam ko kung kailangan ka, nakikinig ka ba? sa dami ng tao na may daing at sumamo minsan reklamo pinaka komplikado yatang trabaho
Maging ikaw at kung magpapalit tayo ng pangyapag
di sigurado baka ito'y mapabayaan kong lahat
sabi nila katulad mo lahat may krus din na pasan
hirap na nga ko na buhatin to wag mo nang bigatan
Pero imbis magalit tumingin ka sakin ng nakangiti sinabing pag hapo ka na anak pwede kang umuwi kung may hinanakit ka papakinggan ko yan kahit ulitin yung dinanas ko mabuhay ka lang...