Nalunod ba sya? Walang buhay? Mga tanong sa isip nung dahan-dahan akong lumapit. Nakuhanan ko na ng litrato bago pa dumungaw ang binatilyo. At buhay sya, walang galos o kung ano— basa lang sya marahil umahon sa dagat. Tama nga, giniginaw sya kaya umahon. Nagpahinga, humiga sa pampang habang ang mga kasama ay nakalublob pa sa trabaho. Itinakip ang isang malapad na bagay nang mahawi ang hangin na yumayakap sa balat.
Rosario Cavite, PH Canon 200D MII | 17-50mm Vilton, 2025